You just have to expect the unexpected because I intend to give you everything ang lahat ng makakaya ko para pasayahin ka.
Dumating din ang araw na matagal nang inaasam-asam ni Hannah: inalok siya ng kasal ni James. Ngunit hindi niya malaman kung bakit bigla siyang sinalakay ng mga agam-agam na pilit niyang ibinabaon sa pinakamalalim na parte ng puso niya. At sa mga panahong iyon ay biglang dumating sa buhay niya si Jeremiah at walang kahirap-hirap na ginulo nito ang buong sistema at pagkatao niya.
Pilit inilayo ni Hannah ang sarili sa atraksiyong bumabalot sa kanya tuwing nasa paligid niya si Jeremiah. Pero nang malaman niya ang katotohanang matagal na siyang pinagtataksilan ni James ay walang pagdadalawang-isip na sumama siya kay Jeremiah para mailayo siya sa mapait na katotohanang iyon.
Sa mga araw na kasama niya si Jeremiah ay naging napakadali para sa kanya na tuluyang umibig dito. Hanggang sa inamin na niya sa sarili na mahal na niya ang lalaki.
Pero isang malaking pagkakamali pala ang umibig siya ritodahil ang lahat ng ipinakita at ipinadama nito sa kanya ay isang palabas lamang. At ang lahat ng iyon ay parte lamang ng plano nito upang ipaghiganti ang babaeng totoong mahal nito laban kay Jamessa pamamagitan niya.