Hindi alam ni Liezl kung anong kabaliwan ang pumasok sa isip niya nang magpasya siyang ibigay ang sarili sa isang estranghero. Iyon ay pagkatapos niyang magpakalasing sa labis na sama ng loob sa panloloko ng boyfriend niya na binalak niyang turuan ng leksiyon. Kumilos at nagbihis siya tulad ng isang liberated na babae at ipinahiya ito sa harap ng maraming tao. Ngunit sa halip na matauhan ito ay siya pa ang sinisi nito sa pagloloko nito. Para daw kasi siyang bato na manhid sa “pangangailangan” nito.
Nangyari ang lahat ng plano niya, maliban lang sa hindi pala isang estranghero ang nakapiling niya sa magdamag kundi si Gerald Andrade. Nagulat siya nang malamang ito ang binatilyong humahabol sa kanya noon. Paanong naging ganoon kaguwapo ito ngayon? At bakit parang sumisirku-sirko ang puso niya kapag tinititigan niya ang nakangiting mga mata nito?