Im sure, isang araw ay darating din ang lalaking para sa akin. Iyong lalaking hindi maduduwag na sabihing mahal niya ako kahit ano pa ang pinagdaanan niya o kahit ano pa ang mangyari.
Magkaklase pa lang sila sa kolehiyo ay may kakaibang damdamin na si Daisy sa best friend niyang si Burt. Alam niyang walang pag-asa ang damdaming iyon dahil may nobya na ang binata, at maayos naman ang samahan ng dalawa.
O maayos nga ba? Bakit bigla ay tila nagpaparamdam si Burt kay Daisy?Dapat bang umasa si Daisy? Dahil kahit ano ang gawin niya, hindi kailanman nabura ang damdamin niya para kay Burt, nanahan lang sa isang sulok ng kanyang puso