Feeling your breath makes me want to kiss you. For a lot of years, I was kissing you in my imagination. Im craving so much for your lips, its killing me.
Sa halip na tulungan ni Mellody ang crush niyang si Jeremiahs na mapalapit sa best friend niyang si Trina ay lihim niyang sinabotahe ang panliligaw ng binata. Kasi ayaw niyang maging tulay. Ang gusto niya, sa kanya bumagsak si Jeremiahs.
Pero nalaman ni Jeremiahs ang ginawa ni Mellody kaya kinompronta siya nito at tinanong kung bakit niya nagawa iyon. At dahil ayaw malaman ni Mellody ang damdamin niya para sa binata ay nagsinungaling siya at sinabing ginawa niya iyon dahil hindi niya gusto si Jeremiahs para kay Trina.
Years passed. Nagkita uli sina Mellody at Jeremiahs sa high school reunion ng batch nila. Isa nang successful engineer si Jeremiahs. At si Mellody naman ay naroon pa rin ang pamilyar na tibok ng puso para kay Jeremiahs. Pero mas wala yata siyang pag-asa ngayon sa binata dahil mukhang may nararamdaman pa rin ito para kay Trina. At mukhang kaya lang nakipaglapit uli sa kanya si Jeremiahs ay dahil gusto ng binata na ipamukha sa kanya na nagkamali siya na hindi niya ito nagustuhan noon para sa kanyang kabigan