Napukaw ang kuryusidad ni Kristine nang malaman niyang ang hinahangaan niyang pintor na si Vincent Cabral ay isang reclusive introvert. Kinailangan pa niyang kulitin ang kaibigan niyang may-ari ng isang art gallery para malaman kung saan ito nakatira. Nagdesisyon siyang puntahan ito sa Isla Recuerdo. Besides, she needed the adventure. Isa siyang manunulat at pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng ikukuwento. Kailangan niyang makakita ng bagong kapaligiran. Wala rin namang mawawala sa kanya. Wala siyang pamilya na mag-aalala sa kanya. Rejection ang nasa mga mata ni Vincent nang makaharap na niya ito. Na para bang napakabigat ng kinikimkim nitong galit sa dibdib. Pilit siya nitong itinataboy paalis ng isla nito. Ngunit determinado rin siyang tibagin ang pader na iniharang nito sa sarili, tunawin ang yelong nakabalot sa puso nito, pahupain ang galit na lagi na'y nakabadya sa mga mata nito. Because she had fallen in love with the island, and she had fallen in love with him... Alam niya, she belonged there...