Look at me when I tell you that I love you. Youre the expert and you have the ability to see through...!
Baguhang journalist si Crisnel. Nang ma-assign siyang mag-cover ng isang interesting scoop sa Isla Blanca ay nakilala niya si Oliver Llanzares, isang sikat na aktor na may personal grudge sa mga katulad niyang journalist. Hindi niya agad ipinagtapat sa binata ang pakay niya sa isla.
They were both enchanted with the beauty of the island. And so with each other.Until Oliver learned about the nature of her job. Pero bago pa nito malaman ang talagang pakay niya sa isla ay nagpasya na si Crisnel na huwag nang ituloy ang artikulo.
Tinangka niyang magpaliwanag sa binata. Ngunit sadyang tila sarado na ang pang-unawa nito sa bagay na iyon. Pagkalipas ng tatlong taon ay nabigla na lamang si Crisnel nang ipatawag siya ng kanilang editor upang personal na mag-interview kay Oliver. Dahil siya pa raw mismo ang personal request ng binata.