Love surprised me. It only took one look, first glance and it turned my world upside-down. I cant believe it either but its happening.
Para kay Nikka, kailangan niyang iwasan ang campus heartthrob at mayaman pero playboy na si Nicolo. Na-love at first sight daw kasi ang lalaki at gusto siyang gawing girlfriend. Pero bukod sa hindi naman niya priority ang pakikipagrelasyon ay alam ni Nikka kung gaano ka-notorious si Nicolo pagdating sa pakikipagrelasyon sa mga babae. Kaya ayaw niyang maniwala kahit sinasabing sincere daw ito sa panliligaw sa kanya. Pero nang matuklasan ni Nicolo ang kanyang pinakatatagong lihim, si Nikka na mismo ang nag-alok sa sarili na maging girlfriend ng binata kahit hanggang sa maka-graduate lang sila ng college. Pumayag din siya on one condition in which both of them agreed upon while in a relationshipang magkunwaring ipakita na in love sila sa isat isa.
Sa paglipas ng mga araw na itinakda sa kanilang relasyon, alam ni Nikka na hindi siya nagkukunwari sa pagpapakita ng pag-ibig sa binata. Kaya ginawa niya ang lahat upang maiparamdam iyon kay Nicolo. At kahit na bigla na lang umalis para mag-aral sa abroad si Nicolo nang walang paalam, naiwang umaasa si Nikka na sa pagbabalik nito ay maging totohanan na ang kanilang relasyon.
Lumipas ang ilang taon at muli nga silang nagkita ni Nicolo. Pero mukhang nakalimutan na siya ng binata at hindi na nito naaalala ang kanilang nakaraan