I have always been in love with you. Kahit pa isiksik ko sa utak ko na dapat akong magalit sa `yo para makalimutan kita, isinisigaw pa rin ng puso ko na mahal na mahal kita.
Naging kaibigan ni Yana si Nick kahit pa sabihing anak lamang ito ng katulong nila. Ngunit mula nang dumating ang half sister niyang si Casey ay nagbago ang pakikitungo niya sa lahat ng tao.
Nagseselos si Yana kay Casey dahil ito na ang mas pinagtutuunan ni Nick ng pansin kaysa sa kanya. At upang maipakita na nagagalit siya sa binata ay nakapagbitiw si Yana rito ng masasakit na salita.
Umalis si Nick na masama ang loob. Sa mga panahong nami-miss ni Yana ang binata ay sinisikil niya ang kanyang damdamin na kumustahin ito.
Makalipas ang maraming taon ay natanggap na rin ni Yana si Casey bilang kanyang kapatid.
At sa pagbabalik ni Nick, asensado na ito, ngunit hindi pa rin pala nito nalilimutan ang hinanakit sa mga nasabi niya noon.
Ipinasya ni Yana na kalimutan na lamang ang nararamdamang pagmamahal kay Nick. Ngunit makakaya ba niyang gawin iyon?