Nang hindi sumipot ang nobyo ni Frances sa kanilang kasal ay maagap na sinalo siya ni Hedrick, ang busybody elder brother ng kanyang taksil na kasintahan.
Literally ay sinalo siya ng binata, dahil pagkatapos siyang dalhin sa ancestral house ng mga del Rey sa isang isla ay inialok ni Hedrick ang sarili sa kanya bilang kapalit na groom ng kapatid nito.
Guwapo itomayaman, matalino, responsable, perpekto. Kaya mas madaling paniwalaang naobliga lang si Hedrick na alukin siya ng kasal kaysa sa dahilang totoong mahal siya nito...