"I love you, Marilou. The first time I saw you, I was already in love with you."
Nakipag-break si Marilou sa kasintahang si Jhun upang makapag-isip at bigyan ito ngpagkakataon upang lubusang maunawaan ang tunay na nararamdaman nito para sa kanya.
Hanggang sa dumating sa buhay niya si Shidrac. Wala siyang balak palawakin ang pagkakakilala nila. Deep in her heart, nararamdaman niyang makikipagbalikan pa rin sa kanya ang kasintahan at tuluyan na itong magpo-propose ng kasal sa kanya.
Ngunit hindi ganoon ang nangyari; bagkus ay nang ayain siya ng kasal ni Shidrac, sumang-ayon siya kaagad. Bakit? Ganoon ba kadaling ipagpalit ang dalawang tao ng relasyon niya sa kasintahan at agad siyang napapayag ng kasal kay Shidrac, na halos dalawang buwan pa lang niyang nakikilala?
Ganoon ba ka-impulssive ang puso niya?