“Kahit siguro ilang beses mo pa akong palayuin sa `yo, darating pa rin ang panahon na magtatagpo tayo. At mamahalin pa rin kita.”
Simpleng buhay lang ang nais ni Fia. Hindi na siya naghahangad ng kung ano pa. Masaya at kontento na siya sa buhay na nakagisnan. Ngunit magbabago pala ang lahat sa pagpasok muli ni Laren sa kanyang buhay.
Ipinangako ni Fia sa sarili na hindi niya papansinin pa ang binata oras na makita itong muli. Pero hayun ang kanyang puso at hindi pa rin ito natiis. Si Laren ang unang lalaking minahal niya; pero niloko siya nito. Nagsinungaling si Laren sa kanya dahil taglay pala nito ang isang katangian na hindi niya matanggap para sa lalaking iibigin.
Handa na ba si Fia na isugal ang hindi nawalang damdamin para sa binata at magtiwalang hindi siya nito iiwan kahit kailan?