"Naghihintay lang akong marinig mula sa iyo na mahal mo ako. At handa ko nang talikuran ang lahat-lahat..."
Simple lang nam an ang pangarap ni Miguel: ang makapiling siya habambuhay. Isang pangarap na kahit simple ay mahirap na yatang magkaroon ng katuparan. Dahil unti-unti, nagkakaroon ng malaking puwang sa pagitan nila.
Ang dating simpleng dalaga na pinangarap nito ay isa na ngayong sikat na sikat na singer. Paano nga bang aabutin ang bituin sa langit?
Ngunit si Cindy na rin ang nagpakumbaba "I am just a girl, standing in front of a boy, asking him to love me!" Hindi niya matatanggap na tuluyang mawala sa buhay niya si Miguel, ang guwapong binata na walang-sawang sumusuporta at nagmamahal sa kanya...