“I don’t know if what I feel is love… Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko. But I would rather give up my freedom if losing you is the alternative.”
Naintriga si Ailee sa pagkatao ni Ivan Nathaniel Valiera nang makilala niya ito sa kasal ng isang kaibigan. She flirted with him a little. Gusto lang niyang malaman kung mapupukaw niya ang interes nito, being the playboy that he was.
Hindi inaasahan ni Ailee na magkukrus pang muli ang mga landas nila ni Ivan pagkatapos niyon. Pero ang sumunod na namalayan niya ay pumapayag na siyang makipag-date dito, and then she was agreeing to have an affair with him.
Alam ni Ailee ang mga limitasyon niya sa pakiki- pagrelasyon. At kapag naramdaman niyang kailangan na niyang tapusin iyon ay walang pagsisising gagawin niya iyon. Siya ang nauunang kumalas bago pa man siya masaktan.
Pero sa isiping isang araw ay matatapos ang ugnayan nila ni Ivan, bakit parang gustong magprotesta ng puso niya?