Larawan siya ng isang kaibig-ibig na babae. May taglay siyang kagandahang hindi pangkaraniwan at katawang pang-modelo. Department head siya ng Human Resources Management Division ng Bureau of Customs, and still single at the age of twenty-eight. She was twenty-two when she moved out from her parents house in BF Homes, Paraaque, at tumira sa isang condo unit, along Roxas Boulevard. Limang taon na rin siyang solong namumuhay.Ito ang ginusto niyang buhay, ang matutong tumayo sa sariling mga paa. Noong unay hindi gusto ng mga magulang niya ang ideyang iyon; ngunit wala nang nagawa ang mga ito nang magpumilit siya.