Iniisip nga lang kita, sumasaya na ako. Lalo na ngayon na isang lingon ko lang, nandiyan ka lang. Kaya pagpasensiyahan mo na kung hindi na ako aalis sa tabi mo.
Si Alpha na siguro ang favorite kick-out student ng mga eskuwelahan. Maraming naghahabol sa kanyahindi ng mga lalaki, kundi ng matatalim na tingin ng mga kaklaseng pinapaiyak niya. Ang hatol: ultimate bad girl si Alpha.
Kaya naman akala ni Alpha ay nagunaw na ang mundo nang malaman niyang may nagkaka-crush pala sa kanya! Ang malupit, ang secret admirer lang naman niya ay si Rancid, ang pinakaguwapo at pinakamatalino sa buong klase nila. Ngunit nang pinapaamin na niya si Rancid, abat tinarayan lang siya. Abay daig pa nito si Maria Clara kung magpakipot sa kanya!
Ngunit nang malapit na malapit nang maging sila ay saka may nangyari sa paaralan na naging sanhi para muling ma-kick out si Alpha. Pero may mas masakit pala roon. Dahil isa pa si Rancid sa mga taong tumalikod sa kanya. Kasabay ng pag-kick out sa kanya sa puso ng lalaki ay ang tuluyang pagkawasak ng pag-asa ni Alpha na magkakatuluyan pa sila