Handa akong tanggapin ang sampal mo. Gawin mo nang dalawa o tatlo o kahit isang dosena pa. Basta bawat sampal, eh, may kapalit na halik, walang kaso sa akin.
Galit sa mga doktor si Ida. Ang kapabayaan ng isang doktor ang dahilan kaya namatay nang wala sa oras ang kanyang ama. Kaya nga hindi pa man niya nakikita si Chadang manggagamot na kararating lang sa kanilang bayanay mabigat na agad ang kanyang dugo sa lalaki. Wala siyang paki kahit macho at guwapo pa raw ito.
Lalong nagkaroon ng dahilan si Ida para mabuwisit kay Chad. Nabosohan kasi siya nito, nilait pa ang lolo niyang albularyo pati ang mga kaalaman niya sa paggamit ng halamang gamot. Isa sa itinuturing niyang pinakamasayang araw ng kanyang buhay ay nang mapaliguan niya ang lalaki ng kare-kare sa isang salusalo.
Pero sa kabila ng galit ni Ida sa mga doktor, kakaiba ang naging talab sa kanya ng karisma ni Chad. Siya ang may lolong albularyo pero parang ang doktor pa ang marunong manggayuma dahil sa kabila ng pagpipigil niyang maaliw dito ay ganoon na nga mismo ang nangyari. At hindi lang siya naaaliw. Nai-in love na yata.
Ngunit nagsinungaling si Chad sa kanya. Binola-bola siya at pagkatapos niyang magpabola nang todo ay saka niya natuklasan na ginawa lang pala siya nitong pampalis ng inip sa pansamantalang paninilbihan sa kanilang bayan.