“Gusto ko ang pakiramdam na yakap ka. `Yong malapit ako sa `yo. `Yong parang hindi tayo mapaghiwalay.”
Nagbago ang buhay ni Erica Fuentes sa isang iglap. Nagmula pala siya sa isang mayamang pamilya sa Baguio at pinamanahan ng mga lupain ng tunay niyang ama.
Tutulungan siya ng family lawyer ng mga Tordesillas—si Christian Herrera. Instant attraction ang nadama niya para kay Mr. Tall, Dark, and Handsome habang inililibot siya nito sa Montes de Tordesillas. Pero strictly off-limits pala siya sa binatang abogado. Ang pakikipagrelasyon ng isang empleyado sa isang Tordesillas ay paglabag sa kautusan at tiyak na pagkasesante sa trabaho.
Ano ang pipiliin niya: ang tungkulin niya sa pamilya, o ang atraksiyong nadarama niya para sa bachelor lawyer?