Kapag ngumingiti ka sa ibang lalaki, natatakot ako na baka magkagusto rin sila sa `yo gaya ng pagkakagusto ko sa `yo. Dahil `yang ngiti mong `yan ang dahilan kung bakit na-in love ako sa `yo.
Hindi mapigilan ni Meiko ang sariling tumulong sa iba. Natutuwa kasi siya kapag may napapangiti siya. Kaya ganoon na lang ang kagustuhan niyang matulungan din si Skylus Saitou, ang Japanese hunk na wala yatang emosyon, cold, at indifferent. She took it upon herself to teach him what warmth was.
Pero habang binubuhay niya ang mga emosyon sa puso nito, unti-unti rin siyang nai-in love dito. Okay lang iyon dahil nararamdaman niyang nahuhulog na rin naman ang loob nito sa kanya.
Kaya lang, nalaman niya ang totoong dahilan nito kung bakit pinag-aralan nitong mahalin siya