Tumugon ka lang sa yakap ko at yayakapin kita nang mas mahigpit
Pumayag si Reign na maging driver ni Severano Xerc Venavidez kapalit ng ipinangakong proteksiyon ng lola nitong sumagip sa kanya sa tiyak na kapahamakan. Kasabay ng bagong trabaho ay ang bago ring anyo niya. Kailangan niyang mapaniwala si Xerc na lesbian siya kung hindi ay ibibilang lang siya nito sa listahan ng mga babaeng pinaiyak nito.
Sa unang linggo ay wala siyang problema rito. Sa ikalawang linggo ay mayroon nainaalipin na siya nito at tila lagi siyang gustong patayin sa talim ng tingin. Sa ikatlo at ikaapat ay bigla itong bumait. At sa ikalimang linggo ay dumating ang pinakamalalang problema: Kung hindi niya naaabutang nagpu-push-up ito nang naka-briefs lang ay napapasukan naman niya itong hubad sa shower!
Nasa bingit nang mahubad ang maskara ni Reign. Kaunting-kaunti na lang ay mabubuking na siya ni Xerc sa pagpapanggap niya. Kapag nangyari iyon, wala na siyang laban sa lantarang pang-aakit nito.
Kailangan niya ng full force na depensa laban sa karisma nito. Kaya niyang tatagan ang depensa niya. Kaya lang ay hinalikan siya ng lokoiyon ang hindi kinaya ng puso at powers niya.