He was in love, as simple as that. Wala nang mga tanong. Wala nang mga “bakit,” “paano,” o “baka.”
Lumayas ng kanilang tahanan si Lara dahil nais niyang makakawala sa paghihigpit ng kanyang mga magulang at upang makasama ang lalaking matagal na niyang iniibig—si Carl. Lumuwas siya sa Maynila upang ipaalala rito ang ipinangako noon sa mga lolo nila na liligawan siya nito pagkatapos niya ng pag-aaral. Tila walang balak si Carl na umuwi sa kanilang probinsiya kaya siya na ang nagtungo rito.
Kung sa akala niya ay magiging maayos ang lahat sa pagitan nila, nagkamali siya. Nagulo ang mundo ni Lara nang may manloob sa bahay na tinutuluyan niya—si Hiro Messer. Mula noon, pinakialaman na ni Hiro ang buhay niya.
Gayunman ay hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nadarama niya tuwing malapit ito. Strange, but he could make her happy easily. Unti-unti nang nahahalina si Lara sa kakisigan ni Carl. Parang unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito.
Pero papaanong nahulog siya rito nang ganoon kabilis? Marupok ba ang pag-ibig niya para kay Carl na pinaniniwalaan niyang minamahal na niya mula pa noong katorse anyos siya?