You did nothing but let me fall for you.
Laki si Yasmin sa mga tiyahing matatandang dalaga at tunay na relihiyosa kaya nahirapan siyang kumbinsihin ang mga ito na payagan siyang magsarili. Naging tahimik at maayos ang buhay niya sa bagong biling bahay hanggang sa bulabugin siya ng isang estrangherosi July Raffel.
Simula pa lang ay binigyan na siya ng patong-patong na problema ng lalaki. Nahuli sila ng mga tiyahin niya sa hindi kanais-nais na tagpo at para sagipin siya sa kahihiyan ay kailangan nilang magpakasal.
No choice si Yasmin kaya napilitan siyang makiayon sa takbo ng mga pangyayari. Pero may isang kondisyon: magpapakasal sila ni July at maghihiwalay rin sa tamang panahon.
And they started acting like a couple tying the knot. Pero sa pagdaan ng mga araw at makilala ni Yasmin ang totoong si July ay naging dispalinghado ang tibok ng kanyang puso hanggang sa magising siya isang umaga na in love na sa kanyang intruder. Very loveable naman pala talaga si July.
Ayos na sana ang lahat at mukhang nahuhulog na rin ang loob ni July sa kanyana-in love yata ito dahil sa kanyang kasungitan. Pero biglang lumitaw sa araw pa mismo ng kasal nila ang ex-girlfriend ni July. Kasamang nawala ni July ang dating nobya at naiwan si Yasmin na salo ang lahat ng kahihiyan. Paano naman kaya ang kanyang happy ending?