Hindi ako ang tipo ng lalaking mamimilit sa isang babae. Kung may mangyayari man sa ating dalawa, sisiguruhin kong ikaw ang nanggapang at hindi ako.
Dahil sa matinding banta sa buhay ni Carren ay nagtungo siya sa Quezon Province para humingi ng tulong sa best friend niyang si Bryan. Ngunit pagdating sa rest house nito ay hindi ang matalik niyang kaibigan ang nadatnan niya kundi ang pinsan nitong si Vince.
Hindi siya puwedeng magtiwala kahit kanino ngunit kailangan niya ng masisilungan kaya nagpanggap na lamang siyang katulong ni Vince habang wala ang best friend niya. Ngunit sa halip na mabawasan ang takot na nararamdaman niya, tila lalo pa iyong lumala. Tuwing lalapit kasi siya kay Vince ay wala itong ginawa kundi akitin siya gamit ang matamis nitong ngiti at magandang katawan.
Ngunit kung totoong natatakot siya, bakit pakiramdam niya ay safe siya tuwing ikinukulong siya ni Vince sa loob ng mga bisig nito?