Ito ang tandaan mo, I will move heaven and earth to get you back because I need you back.
Nakilala ni Trizel Tan si Karlo noong siya ay labing-anim na taong gulang pa lamang. Isa itong trabahador sa kanilang hopia factory. She was young and she fell head over heels in love with him. Nagkaroon sila ng relasyong lingid sa kaalaman ng ama niyang napakaistrikto. Trizel defied everything for him but he broke her when she found out that Karlo was already married.
At ngayon, makalipas ang siyam na taon, ay muli silang nagkita. Matagumpay na si Karlo sa buhay, mayaman. He was larger than life, malayo sa estado ng lalaking minahal niya noon.
Alam ni Trizel na dapat na niyang kalimutan ang nakalipas. Isa lamang malaking pagkakamali ang naging relasyon nila, niloko lamang siya nito.
Ngunit paano iyon gagawin ni Trizel gayong tuwing makikita niya ito ay para siyang bumabalik sa disisais anyos na dalagitang nagmahal dito nang lubos?