Hindi maipaliwanag nina Clarisse at Blas ang tila mahikang bumalot sa kanila kaya sa loob ng maikling panahong pagkakakilala nila ay agad na nahulog ang loob nila sa isat isa. Pero kung gaano nila kabilis na inaming mahal nila ang isat isa ay doble ang bilis ng paghihiwalay nila. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lang iniwan ni Blas si Clarisse. Sinubukan ni Clarisse na kalimutan ito pero hindi siya nagtagumpay dahil sa tuwina ay naaalala niya ito.
Susuko na sana siya sa paghihintay rito pero muli silang pinagtagpo ng tadhana. Inakala ni Blas na nag-asawa na siya kaya pilit na lumalayo ito. Naglakas-loob siyang ipagtapat dito ang naging sitwasyon niya noong iwan siya nito. Isa lamang ang idinadalangin niya: Sana ay tanggapin pa rin siya nito kapag nalaman nito ang mga nangyari sa kanya.