“You can curse me, beat the crap out of me, but you can never get rid of me. Please, love. I can’t afford to lose you.”
Nang muling makita ni Lucy si Tyler pagkalipas ng apat na taon ay nadiskubre niyang hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya rito. Kaya nang hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ni Tyler sa kanya ay hindi na siya nagdalawang-isip na muling tanggapin ito sa buhay niya.
Hindi matawaran ang saya na nararamdaman ni Lucy kapag kasama niya si Tyler—nang palihim. Kailangan nilang itago ang relasyon nila dahil isang sikat na artista si Tyler. Buo ang paniniwala ni Lucy na makabubuti sa career nito ang pagtatago nila ng relasyon. And so she thought.
Nang maramdaman niyang unti-unting nagiging threat si Doreen Caravero—ang on-screen love team ni Tyler—sa relasyon nila ay pinanindigan pa rin niya ang kagustuhang itago ang relasyon. Nang malaman ng buong Pilipinas ang relasyon nila ni Tyler ay kinamuhian siya ng fans nito. Nang puntahan siya ni Doreen sa boardinghouse na tinutuluyan niya at sabihing unti-unting bumabagsak ang career ni Tyler ay alam niyang kailangan na niyang gumawa ng desisyon. Kailangan ba niyang panghawakan ang pagmamahal niya rito at patuloy na maging nobya nito o iwan ito para maprotektahan ito?