"You know I'm willing to give up everything if it means spending another second with you. For one second is better than a lifetime of not knowing you." May sakit sa puso si Coffee. Tuwing inaatake ng sakit ay nawawalan siya ng pag-asang gumaling, nawawalan ng ganang mabuhay. Dahil din sa sakit niya kaya ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na iibig uli. Ayaw niyang masaktan ang lalaking mamahalin kapag nawala na siya. Hanggang sa nakilala ni Coffee ang binatang doktor na si Ares. Tinulungan siya ng binata na makita kung gaano kasarap ang mabuhay. Tuwing nalulungkot siya ay nasa tabi niya ang binata, inaaliw at pinapalakas ang kanyang loob. Hanggang sa inamin ni Ares na mahal nito si Coffee. Subalit kung kailan handa na si Coffee na isantabi ang pangakong hindi na iibig ay saka naman niya natuklasan ang totoong dahilan kung bakit siya tinulungan ng binata.