Hindi ko matanggap na parang nababale-wala mo ang damdamin natin pareho. Pilitin ko mang gayahin ka, ang ignorahin ang nararamdaman ko para sa iyo ay hindi ko magawa.
I want you to live with me and be a mother to my child. Na-shock si Susan sa alok na iyon ng kanyang boss na si Matthew. Kailangan daw ng anak nito ng isang mother figure. Naguguluhan man ay napapayag si Susan ni Matthew.
Sa umpisa ay nahirapan si Susan na gampanan ang bago niyang papel. Ngunit nang lumaon ay natulungan niyang mapagbago ang anak ni Matthew. At kasabay ng pagbabago ng anak ni Matthew ay ang pagbabago rin ng pakikitungo ng lalaki sa kanya. Naging malambing si Matthew. Maging ang mga pananalita nito ay iba na ang ipinahihiwatig...
Huwag kang lalayo, Susan. It makes me miss you kahit pa nakikita kita.
At ang atraksiyon sa pagitan nila ay lalong umiigting sa bawat araw na kanilang pinagsasamahan.
Mahal na niya ang lalaki, ngunit natuklasan ni Susan na salungat si Matthew sa prinsipyong kanyang pinaniniwalaan... na higit pa sa pagmamahal ang kahalagahan para sa kanya.
Kung makakaya ni Susan na isantabi ang prinsipyong iyon alang-alang sa pagmamahal kay Matthew, hindi niya alam kung hanggang kailan.