“Maghahalo muna ang balat sa tinalupan, makikipag-duelo ako kung kinakailangan, huwag lang matuloy ang kasal n’yo. Because I can’t let you walk out of my life once more... I’d go crazy if you leave me.” Naintriga si Mira sa lalaking nakita niya sa bar. Nag-uumapaw ito sa kaguwapuhan ngunit halatang may mabigat na pinagdaraanan. At nang makita ni Mira na mukhang may mga nagbabalak ng masama sa lasing na lalaki ay iniligtas niya ito. Napag-alaman ni Mira na Aaron ang pangalan ng lalaki at hinahanap nito ang half brother na Steven daw ang pangalan. At suwerte namang kilala niya si Steven dahil best friend niya ang hinahanap na lalaki at sigurado siyang hindi ito makikipag-usap kay Aaron. Alam niyang nasusuklam si Steven sa half brother nito dahil sa pang-iiwan ni Aaron noong mga bata ang dalawa. Dahil doon ay gusto ni Mira na pagbatiin ang magkapatid kaya umisip siya ng paraan—palalabasin niyang manliligaw niya si Aaron. Ililihim din niya kay Steven ang tunay na pagkatao ni Aaron. Hanggang sa nahiling ni Mira na sana ay totoong nanliligaw si Aaron sa kanya. Mukhang dininig naman ang kanyang panalangin—dahil bukod sa naging sweet sa kanya si Aaron ay sinabi nitong gusto rin siya ng lalaki. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang ay umasta ito na para siyang may ketong at basta na lang iniwan.