“Siguruhin mong mahal mo nga ako dahil wala nang bawian… hinding-hindi na kita pakakawalan.”
Buong buhay ni Lorin ay minahal na niya si Jacob Galeria. Nang maaksidente ito at pansamantalang hindi magawang makapaglakad, nagkaroon siya ng pagkakataong maipakita at maiparamdam dito ang nararamdaman niya. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya maramdaman lang nito ang pagmamahal niya. Hanggang sa dumating sa puntong ipinagtapat na niya rito ang nilalaman ng puso niya.
Pero bakit ganoon? Tila kinulang siya ng pagpapakita rito kung gaano niya ito kamahal. Pagkatapos ng lahat ay sasabihan lang siya nito na may iba pang mas karapat-dapat sa pagmamahal niyang iyon. Hindi ba makita ni Jacob na ito lamang ang “mas karapat-dapat” para sa kanya?