Sugatan na nga ang puso ni Jannidahil ang magaling niyang boyfriend at best friend ay nagkaibigan at pinagkaisahang gawin siyang tangaay nanganganib pang mawala sa ere ang programa niyang Ghost Experience sa DWS radio station. Mabuti na lamang at nasa tabi niya lagi si Dale, ang kaibigan ng pinsan niya na sa tuwina ay nagbibigay sa kanya ng aliw at lakas ng loob.
Hindi niya mapapayagang alisin ang programa niya dahil legacy pa iyon ng kanyang lolo. Kaya kailangan niya ng bagong twist para tumaas ang ratings ng programa.
Pero bago pa man siya makaisip ng gimmick para sa ikasasalba ng programa ay dumating si Hearttaker, ang misteryosong caller niya. Inilahad nito on air ang isang kuwentong hindi lang tungkol sa ghost kundi tungkol din sa isang love story na diumanoy hango sa karanasan nito. Iyon na ang simula ng pagtaas ng ratings nila dahil sa gimmick nitong kinagat ng mga listeners niya.
Subalit mayroon siyang ipinagtataka: magkapareho ang tunog ng tawa nina Hearttaker at Dale. Kaya naman nang hilingin nitong magkita sila ay pumayag siya. Gusto niyang kumpirmahin ang kutob niya.
Handa na ba ang puso niya sa sorpresang dala nito?