Hindi mo naman kailangang sabihing mahal mo rin ako. Pagtatrabahuhan ko ang I love you too mo.
Arianne Sebastian was Miss Independent. Dahil sa sakit na idinulot ng pagkamatay ng mga magulang niya, pinili niyang ituon na lang ang buong atensiyon sa trabaho bilang writer sa isang newspaper agency. Para sa kanya, less attachment equals less complication equals a happy life.
Hanggang sa dumating sa kompanya si Vaughn Eusebio ang anak ng may-ari ng agencypara humalili sa posisyon ng ama nito bilang editor in chief.
Dahil star employee, si Arianne ang naatasan para i-train si Vaughn. Pero habang tinuturuan niya ito ng pasikot-sikot sa kompanya ay tinuturuan naman nitong umibig ang puso niya.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay binuksan niya ang sarili sa ibang tao. At sulit naman ang ginawa niya dahil nagtapat ng pag-ibig sa kanya si Vaughn. Days spent with him became her definition of a happy life.
Ngunit natuklasan niya na may hidden agenda pala ito sa paglapit sa kanya. Mukhang kailangan na niyang bumalik sa dati niyang buhay. Ngayon pa kung kailan hindi na sanay mag-isa ang puso niya