Ano pa bang patunay ang gagawin ko para maniwala kang mahal kita?
Desidido si Crystal na mapasakamay niya ang huling piraso ng heirloom set na ipinahanap sa kanilang magkakapatid ng kanilang ama, ang moonstone ring. The moonstone is a lovers stone. At napatunayan na iyon sa naging karanasan ng mga kuya niya na natagpuan ang kanya-kanyang pag-ibig dahil sa heirloom.
Pero mukhang sa kanya papalya ang kredibilidad at mahika ng moonstone dahil natagpuan nga niya ang lalaking mamahalin niyasi Graypero hindi naman happy ending ang kinahantungan nila. Nalaman kasi niyang pinakasalan lang siya nito dahil sa hiling ng namayapa nitong abuela na tunay na nagmamay-ari ng singsing. Sa kaalamang iyon ay iniwan niya ito.
Pagkalipas ng tatlong taon ay bumalik sa buhay niya si Gray, hindi upang ayusin ang kanilang relasyon kundi upang bawiin sa kanya ang moonstone ring na ipinamana sa kanya ng lola nito. Ganoon ba talaga kawalang pagmamahal si Gray sa kanya? Kinuha na nga nito ang puso niya, pati ang nag-iisang bagay na nagbubuklod sa kanila ay kukunin pa rin nito?