“Kung gusto ka ng isang tao, tatanggapin niya ang lahat-lahat sa `yo... Yayakapin niya kung ano ka. Hindi niya sasabihing maging ganito o gano’n ka para lang matanggap ka niya.”
Mortal na kaaway ni Heaven si Knight. Lagi kasi siyang inaasar nito.
Hanggang sa dumating ang araw na bumalik ang longtime crush niya na si Archie. Pinilit niyang magpapayat para dito at itinodo niya ang pagpapa-cute. Ngunit lagi na lang nakahadlang si Knight. Lagi itong umeeksena sa pagitan nila ni Archie.
Sinita niya si Knight kung bakit nito ginagawa iyon. Nagulat siya sa naging sagot ng lalaki.
May gusto raw ito sa kanya!
Ngunit mas nagulat si Heaven sa naramdaman niya. Sasakalin niya si Knight kapag binawi ang ipinagtapat nito sa kanya.