Lumaki ako sa isang broken family. Niloko ng daddy ko ang mommy ko. Dahil doon ay natanim sa isip ko na lahat ng lalaki ay pare-parehas lang na manloloko. Pero may isang Xander na dumating sa buhay ko. Ipinaramdam niya sa akin kung paano mahalin ng isang lalaki. Dahil sa kanya, madami akong natutunan sa pag-ibig.
Pero mas pinili ko pa rin na iwan si Xander sa kabila ng pagmamahal niya sa akin. Hindi ko alam kung maiintindihan niya ang mga rason ng pag-alis ko pero kailangan ko itong gawin para sa sarili ko at para na rin sa aming dalawa. Alam ko na maaaring sa pagbabalik ko, hindi na kami puwede ni Xander para sa isa't isa. Pero babalik pa rin ako dahil iyon ang ipinangako ko.
Tatlong taon ang lumipas at handa na akong harapin ang lahat. Handa ko na ring suklian ang pagmamahal ni Xander.
Sana lang ay hindi pa huli ang lahat...