Nasa kanya na ang Prince Charming niya. All she had to do is to write their fairy tale.
Hindi inaasahan ni Raniele na ang masaya sana niyang bakasyon kasama ang boyfriend ay masisira dahil sa pagtataksil nito. Mabuti na lamang ay naroon at nakilala niya si Lander na tumulong sa kanya habang nasa barko sila upang makalimot sa pagiging brokenhearted niya. He was indeed her hero. Dahil doon ay nahulog na rin ang puso niya rito.
Maniniwala na sana si Raniele na nagugustuhan na rin siya ni Lander sa kabila ng pagiging manang niya. Pero natuklasan niya na brokenhearted din pala ito noong panahong nasa barko sila.
Panakip-butas lang pala ang papel niya sa buhay nito.