May madaldal ka bang nanay, mahinahon na tatay at limang kuya?
Napagkamalan mo bang babae `yong lalaking kausapmo?
Naranasan mo na bang maghiwa ng sibuyas para lang maiyak dahil nabigo ka sa kras mo?
Nalasing ka na ba sa paglangoy sa tubig at naihi sa kama kinagabihan?
Inakalamo bang magiging kras mo na ang bespren mo kahit parehas kayong babae?
Eh, `yong magsuot ng polo at pantalon sa prom kahit pinatahian ka pa ng tatlong gown?
Sinubukan mo bang maglabas ng Ziploc sa eat-all-you-can para makapag-take out?
Nagbaon ka ba ng chicharon habang kumukuha ng college entrance exam?
Mayroon ka bang sariling bokabularyo?
Naranasan mo na ba ang lahat ng `yan? Hindi, `no?
Ako, oo.
Sino ako?
Ako po si Charlie Pelaez at hindi ako tibo.
Babae ako, babae. Entiendes?