You are one of the most wonderful women I have ever known. And I wanted to take care of you, even if you dont want to.
Bumabalik na sa ayos ang buhay ng pamilya ni Ava. Ngunit tila gusto uli siyang subukin ng tadhana dahil kung kailan inaakala na niyang magiging maayos ang lahat ay saka naman biglang naaksidente ang kapatid niya at inatake sa puso ang kanyang ama. Hindi lang doon natapos ang kamalasan niya. Dahil ang inaasahan niyang kasintahan na dadamay sa kanya ay iniwan siya kung kailan kailangan niya ito.
When she thought everything would turn worse, the heavens sent Weba tall, dark, and handsome guy who pulled her up, away from the mud. Tinanggap ni Ava ang kasal na hiningi nito para mabayaran ang utang niya rito. Habang nasa iisang bubong ay unti-unting nahulog ang loob ni Ava sa asawa dahil sa pag-aalaga at pag-aalala nito sa kanya. Hanggang sa masanay siya sa presensiya nito. Handa na sana niyang sabihin kay Web na totohanin na ang kasal nila nang may isang bagay na pumigil sa kanya.
Ang totoong dahilan kung bakit nagpakasal sa kanya si Web