“Kung kasingganda ko ang babaeng gagapang sa `yo, lalaban ka pa?”
Nagsagawa ng artificial respiration si Danita sa isang lalaking inakala niyang nalunod. Nahimasmasan ang lalaki pero sa halip na magpasalamat ay nagalit pa! Sa inis ay sinigawan niya ito ng “baklush” at “pamintang durog.” Isang beses pa silang nagkita, binuwisit na naman siya ng lalaki kaya sinikmuraan na niya.
At gaya ng isang gasgas na kasabihan, maliit lang ang mundo. Nagkita uli sila ng lalaki sa Maynila. Member pala ito ng Half-blood, ang bandang ipe-feature sa article na gagawin ni Danita. Hawak ni Calyx Choi ang susi para matapos niya ang kanyang assignment. Pinahirapan muna siya nang kaunti ng lalaki bago ibinigay ang kailangan niya. Hindi lang iyon, bibigyan din daw siya ni Calyx ng trabaho—pansamantalang kahalili ng driver nito.
Sa araw-araw na pagsasama nila, iba’t ibang side ni Calyx ang nakita ni Danita. He was rude and caring, arrogant, charming, annoying and amusing… Ah, he was a complex human being! But despite his complexity, she found herself being drawn to him—lalo na nang madiskubre pa niya ang isa nitong bahagi. He was a lonely, broken man. Napamahal na sa kanya si Calyx kaya desidido siya na buuin uli ang binata bago pa mag-expire ang kontrata niya rito.