“I know this is too early and sudden. I know my next words will sound cheesy and sappy but the heck with it. Mahal kita.”
Obnoxious. Parang leon na malapit nang mag-menopause. Ganoon i-describe ni Roxy si Cloud Kaiser. Masyado kasing grumpy at bossy ang lalaki. Kaya unang beses pa lang silang nagkakilala, asiwa na agad si Roxy. Na nadagdagan nang mabuhusan niya ng alak ang harapang bahagi ng pantalon nito. Nagalit si Cloud. Nagalit din pati ang “alaga” ng binata na nahaplos ng mga kamay ni Roxy nang punasan niya nang punasan ng tissue paper ang bahaging iyon ng katawan nito.
Pero isang araw ay kinailangan ni Cloud ang tulong ni Roxy. Handa raw ang binata na gawin ang lahat mapapayag lang siya. Luluhod pa raw ito kung gusto niya. In the end, she agreed to help him. Habang tumatagal na nakakasama niya si Cloud, paiba nang paiba ang tingin niya rito. For once, marunong pala itong ngumiti at tumawa. And every time he smiled, Roxy felt like witnessing a miracle. The grumpy lion had turned into a dashing hero and she wanted to be his heroine.
Kaso, may heroine na si Cloud—si Ria, ang kakambal ni Roxy.