You made me realize the true meaning of the words love and forever.
Eleksiyon na naman. Dominique was hell-bent on proving her worth. Plano niyang sumunod sa yapak ng kanyang ama na naging pinakamataas na pinuno ng bansa.Tatakbo siya bilang congresswoman. Nagkaroon lamang ng problema dahil tatakbo rin si Darryl Aquino, isang dating opisyal na kaibigan ng best friend ni Dominique. Nanganganib daw na mahati ang boto ng matitinong botante sa kanilang dalawa at maaaring manalo pa tuloy ang isang panggulong trapo. Their concerned friends opted to organize a tournament kung saan sina Dominique at Darryl ang mga kalahok. Kung sino ang mananalo, siya rin ang tatakbo sa eleksiyon. Handa na sanang patunayan ni Dominique na the best man for the job was a woman. Dangan nga lamang at na-in love siya sa kalaban. And Darryl was already engaged to be married.