She loved being in his arms. It was like she had found the one thing she had been searching for all her life.
Nagbalik si Wynona sa Isla de Amantes sa dalawang kadahilanan: Una, upang kalimutan ang nakanselang kasal niya. Pangalawa, upang balikan ang lalaking nagpakita ng interes sa kanya noong nasa isla pa siyasi Toff Concepcion.
Sa kanyang pagbabalik, natuklasan niyang may kaugnayan si Toff sa pag-iwan sa kanya ng kanyang former fianc. Ngunit hindi nito ginawa iyon para sa pansariling interes nito kundi para sa kapakanan ng Grande Passion Corporation. Lantaran ding inamin nito sa kanya na huwad ang mga ipinakita nito sa kanya.
Ngunit bakit nang tangkain niyang tapusin na ang mga paghihirap niya ay dumating ito upang pigilan siya? May halaga ba siya rito o umaasa na naman siya sa wala? Ano ang paniniwalaan niya?