I own this island and everything here belongs to me.
Everything, Callie. Including you.
Habang nasa sailboat ay tinangkang lunurin si Callie ng kanyang tiyuhin na naghahangad sa kayamanang iniwan sa kanya ng namayapang abuela niya. Nakaligtas siya nang dalhin siya ng mga dolphins sa Isla Camino.
Isang paraiso iyon, pero tila isang bangungot ang naging pananatili niya roon nang makilala niya si Ethan Salvador, ang diyos ng islang iyon. Hindi nito inilihim sa kanya ang kagustuhan nitong maangkin siya. Sa katunayan, ayaw siyang pakawalan nito, ayaw siyang paalisin ng isla.
Isinumpa niyang hindi nito makukuha ang nais nito sa kanya. Sa umpisa ay nakaya niyang tanggihan ito. Ngunit nang lumaon, hindi na niya natanggihan ang guwapo at makisig na binata. Kaya ngayon ay namomroblema siya. Tatangkain pa ba niyang tumakas o mananatili na lang siya sa mga bisig nito...?