I love you more than youll ever understand.
Bilang pagtanaw ng utang-na-loob ni Lolo Solomon sa pagliligtas ni Kyla ay inalok si Kyla ng matanda ng trabaho at pinatira pa sa mismong bahay ng pamilya nito. Agad iyong tinanggap ng dalaga dahil di-hamak na mas mataas ang magiging suweldo kaysa sa sahod niya sa pagtatrabaho sa Addis Springs Resort. Siya na lang ang inaasahan ng kanyang mga magulang at kapatid. At para kay Kyla, jackpot na ang kumita ng pera sa ganoong paraan.
Pero isang kamalasan naman na makasama si Yuli Roa, ang isa sa mga apo ni Lolo Solomon at ang pinakaimposibleng lalaki na kanyang nakilala. Si Yuli lang naman kasi ang lalaking nakabungguan niya sa daan at sinisi sa pagkawala ng mamahaling gamit nang ma-snatch-an siya. Pero sa halip na humingi ng sorry ay nagalit pa at bilang parusa sa kanyang ginawa ay hinalikan pa siya sa mga labi sa harap ng maraming tao!
Sa pagsasama nilang dalawa sa iisang bubong ay mukhang hindi titigil si Yuli na gawing word war zone ang bahay ni Lolo Solomon. Pero hindi niya maintindihan kung bakit pagkatapos pahirapan na sungit-sungitan ng lalaki ay bigla siyang isinakay sa kotse at dinala sa sarili nitong bahay, kung saan sila inabot ng masamang panahon.
At dahil sa maiinit na yakap at mapupusok na halik ni Yuli ay nawindang nang husto ang sistema ni Kyla