Faith has just lost her father and was about to lose everything. At sa gitna ng kanyang pagluluksa ay dumating si Rex sa hacienda at iginigiit nito ang karapatan nito sa kanya bilang asawa nito. Pagkatapos siyang talikuran nito hours after their wedding ay basta na lang ito babalik na parang walang nangyari!
"This isn't just about sex, Faith," anito pagkatapos niyang sabihing iyon lang naman ang gusto nito sa kanya. "It is more than that!"
"Yeah right! It isn't about sex. It is about revenge. Pero patay na ang papa, ang taong inaakala mong sumira sa buhay mo!"
"I am not through with you!"
"Ayaw mo akong pakawalan dahil hindi mo pa nakukuha ang gusto mo, hindi ba? Then take me, Rex. Right here, right now! Kung iyon lang ang makapagpapagaan sa loob mo, gawin mo na ang gusto mong gawin!"
Huli na nang ma-realize niyang isang pagkakamali ang ibinigay niyang hamon. Dahil sa huli ay puso rin niya ang masasaktan...