Pagmamahal ng isang anak sa kanyang ama ang nagtulak kay Isabel upang ialok ang kanyang serbisyo kay Gabriel Montero, ang bagong may-ari ng Villa Donata.
Naging tagapagsaayos siya ng libro sa library; gayunpaman ay hindi malinaw sa kanya kung ano talaga ang papel niya sa sambahayan niito. Kung katulong siya roon at bakit ibinigay sa kanya ang espesyal na kuwarto? Bakit binihisan siya at pinagsisilbihan ng mga kawaksi na parang isang seorita?
At habang ipinagkaloob ni Gabriel Montero ang lahat ng iyon sa kanya ay patuloy pa rin ito sa pagiging arogante, masungit at mayabang.
Inisip niyang pinaglalaruan siya ng mahiwagang lalaki. Pero bakit nang siya nito'y ibig niyang maniwala na hindi iyon isang laro lamang?