Nakilala ni Gema si Gabe nang panahong katatapos pa lamang niya sa isang relasyong nakapagdulot sa kanya ng ibayong pasakit. Nakilala niya ito nang panahong hindi ito handa sa ano mang commitment.
She was in need of a knight in shining armor and Gabe was not that. He was three years younger than she was and his priorities were not yet set straight.
Ngunit hindi kayang turuan ang puso at natagpuan na lamang niya ang sariling umiibig dito nang lubos. Dahilan upang pumayag siya sa isang relasyong walang kasiguruhan. Ibinigay niya rito ang lahat at nagbunga iyon.
Ngunit itinatwa ni Gabe ang batang nasa kanyang sinapupunan. Tinalikdan siya nito nang panahong kailangang-kailangan niya ito.
Makalipas ang pitong taon ay muli silang nagkita, sa ibang lugar at ibang sirkumstansiya. Kapwa sila matagumpay na executives sa Manhattan, New York. She was still trying to nurse her heartaches and he didn't seem to notice. Sapagkat ganoon na lamang kung siya ay tuyain nito...