"Akin ka! Dito ka! Gusto kong maramdamang mahal mo ako..." Nangangatog si Aurora habang hinuhulaan si Roldan; nanlalamig; hindi lang dahil hindi niya alam kung ano ang ihuhula rito, dahil hindi naman siya totoong manghuhula. Kundi dahil hawak niya ang palad nitong matitigas, dama niya ang init na nanggagaling doon, habang ang mga mata nito'y pilit na hinuhuli ang kanyang mga mata. Agad niyang nahulaan ang iniisip nito, alam nitong kinakabahan siya sa mga sandaling iyon, dahil ngayon lang siya natitigan ng isang lalaking kasing-guwapo ng binata. Ang hindi niya nahulaan, balak pala siyang kidnapin ng binata, para gawing bilanggo; bilanggo sa puso nito...