Dahil sa pag-ibig, itinakwil ng kanyang ama si Oldina—pag-ibig na sa bandang huli ay pinagsisihan niya dahil may-asawa na pala ang lalaking minahal niya. Parang dinurog ang puso niya dahil sa kabiguang iyon.
Muling kumatok ang pag-ibig sa kanyang puso, at sa pagkakataong iyon ay sa isang lalaking sigurado siyang walang sabit—sa guwapong si Togar Rivas. Dahil sa binata, unti-unting nagkaroon uli ng kulay ang kanyang paligid. Batid niya, ito na ang lalaking para sa kanya.
Ngunit natuklasan niyang may koneksiyon ito sa lalaking unang minahal niya. Makakaya pa ba niyang muli na namang mabigo?