Dont make me feel that you are the lucky person because you have me; because right now, Im the one who is lucky to have you. Masaya ako na katabi kita. Masaya ako na hinayaan mo akong maging parte ng buhay mo.
Masaya na si Jeanie kahit sumulyap-sulyap lang kay Ace. Alam ni Jeanie na hindi na maibabalik pa sa dati ang pagkakaibigan nila lalo nat may girlfriend na ang binata. Kasalanan din naman niya. Iniwasan niya si Ace matapos magtapat ng pag-ibig sa kanya noong high school. Huli na nang ma-realize niyang gusto rin niya ang binata.
Pero dahil sa di-inaasahang pangyayari, naging madalas ang pagsasama nila nang maging bassist si Ace ng pinakasikat na banda sa campus nilaang Gamblers Band. Best friend kasi ni Jeanie ang drummer at kaibigan ang lahat ng miyembro ng banda.
Hanggang sa naramdaman ni Jeanie na wala na ang pader sa pagitan nila ni Ace. May nagbago sa pakikitungo ni Ace. Naramdaman ni Jeanie na espesyal siya sa binata.
Hindi nagtagal ay inanunsiyo ni Ace na liligawan si Jeanie. Iyon ang matagal niyang hinihintay: kaya sinagot niya si Ace. Ang buong akala ni Jeanie ay perpekto ang relasyon nila. Ngunit paano pala kung panakip-butas lang siya at ginamit ni Ace para pasakitan ang ex-girlfriend nito?