You made me feel alive by making me fall in love with you.
Pakiramdam ni Jho ay nasa isa siyang fairy tale matapos matuklasan na matagal na siyang ipinagkasundo ng lolo niya sa nag-iisang apo ng matalik na kaibigan nito. Kahit kailan ay hindi niya naisip na masasangkot siya sa isang arranged marriage. Ngunit sa halip na tutulan ang kasunduan ng matatanda, siya pa ang gumawa ng paraan upang masiguro na matutupad iyon! Jho was convinced that it was her destiny to marry a handsome prince, fall helplessly in love with him, and live happily ever after.
Pero nagsisimula pa lamang ang fairy tale na pinapangarap ni Jho ay nag-the end na kaagad iyon nang malaman kung sino ang lalaking pakakasalansi Reixen Herran-Lee. Nakilala niya ang lumot na si Reixen sa G Spot. Mayaman nga at guwapo ang binata ngunit kaaway niya!
Paano na ang katuparan ng mala-fairy tale na pinapangarap ni Jho? May pag-asa pa ba iyong matupad sa piling ng kanyang masungit na prinsipe?